Ang short-track speed skating ay palarong pangyelo na nagsusubok sa kakayahang pisikal, bilis at puwersa ng mga manlalaro at koordinasyon ng isang grupo. Ipinamamalas nito ang bilis at kasiglahan ng larong pangyelo.
Sa Beijing Olympic Winter Games, may 9 na events ang paligsahan ng short-track speed skating na kinabibilangan ng men's 500 meters, 1000 meters, 1500 meters at 5000 meters relay, women's 500 meters, 1000 meters, 1500 meters at 3000 meters relay, at mixed team relay.
Kabilang dito, ang mixed team relay ay bagong dagdag na event sa nasabing Olimpiyada.
Salin: Vera
Pulido: Mac