Isang mensaheng pambati ang ipinadala kahapon, Enero 26, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa "Icebreakers" 2022 Chinese New Year celebration na magkasamang itinaguyod ng 48 Group Club, China-Britain Business Council at China Chamber of Commerce in the UK.
Tinukoy ni Xi na noong dekada 50, sinimulan ng mga Britanikong mangangalakal na pinamunuan ni Ginoong Jack Perry ang “Icebreaking Mission,” bagay na bumasag sa niyebe ng kalakalan sa pagitan ng mga bansang kanluranin at Tsina.
Saad ni Xi, ang kasalukuyang taon ay ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Britanya sa embahadoryal na antas.
Umaasa aniya siyang igigiit ng mga personaheng may bukas at pangmalayuang pananaw at mga kinatawan ng sirkulo ng industriya at komersyo ang diwa ng “icebreaking,” walang humpay na palawakin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, payamanin ang pagkakaibigan ng dalawang bansa, at ihatid ang mas maraming benepisyo sa dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio