Pagkansela ng Amerika ng lisensiya ng China Unicom sa Amerika, malubhang nakasira sa regulasyon ng pandaigdigang kalakalan

2022-01-29 11:48:50  CMG
Share with:

Sa kabila ng kawalan ng kongkretong ebidensiya, muling kinansela ng pamahalaang Amerikano ang lisensiya ng operasyon ng China Unicom sa Amerika dahil umano sa pangangalaga sa sariling pambansang seguridad. 

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Biyernes, Enero29, 2022 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang nasabing kilos ng Amerika ay grabeng nakakapinsala sa regulasyon ng pandaigdigang kalakalan.

Ani Zhao, ang ginawa ng panig Amerikano ay pagmamalabis sa kapangyarihang pang-estado na walang-batayang pumipigil at umaatake sa kompanyang Tsino. 

Sinabi niya na kinakatigan ng pamahalaang Tsino ang mga kaukulang kompanya sa pangangalaga sa sariling karapatan at kapakanan alinsunod sa batas. 

Patuloy na isasagawa ng panig Tsino ang mga kinakailangang hakbangin para buong tatag na mapangalagaan ang lehitimong karapatan at kapakanan ng mga kompanyang Tsino, dagdag pa niya.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method