Pangulong Vladimir Putin, tutol sa pagsasapulitika ng palakasan

2022-01-26 14:53:08  CMG
Share with:

Pangulong Vladimir Putin, tutol sa pagsasapulitika ng palakasan_fororder_20220126Putin600

Sinabi nitong Martes, Enero 25, 2022 ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na kapuwa tinututulan ng Rusya at Tsina ang pagsasapulitika ng palakasan.

“Kapuwa naming kinakatigan ang tradisyonal na opinyon ng halaga ng Olimpiyada kung saan, ipinapauna ang pagkakapantay-pantay at katarungan,” wika ni Putin.

Ganap aniya siyang nananalig na ipapakita ng gaganaping Beijing Winter Olympics ang tunay na dekalidad na lebel.

Dagdag pa niya, may mabuti at mayamang karanasan ang Tsina sa pag-organisa ng malaking pandaigdigang aktibidad, kaya malaki ang kanyang kompiyansa na maihahandog ng Tsina ang napakabuting serbisyo ng kalusugan sa mga atleta at manonood.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method