Ika-5 ensayo ng CMG 2022 Spring Festival Gala, idinaos

2022-01-30 12:17:53  CMG
Share with:

Ginanap kahapon, Enero 29, 2022, ang ika-5 ensayo bilang paghahanda sa gaganaping 2022 Spring Festival Gala ng China Media Group (CMG).
 

Sa kasalukuyan, tapos na ang iba’t-ibang preparasyon at handang-handa na ang lahat para sa livestreaming ng nasabing gala.

Ika-5 ensayo ng CMG 2022 Spring Festival Gala, idinaos_fororder_20220130gala

Itatampok dito ang tunay na paghahalo sa modernong teknolohiya at sining, na kinabibilangan ng isang napakalaking 720-degree curved LED screen, extended reality (XR), augmented reality (AR), holographic scanning, at 8K naked-eye 3D rendering.
 

Ang Spring Festival Gala ay taunang TV program ng CMG na nagsimula noong 1983, bilang pagdiriwang sa Pestibal ng Tagsibol, pinakamahalagang kapistahan sa Tsina.
 

Karaniwan itong ini-eere sa bisperas ng kapistahang ito.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method