Ikaapat na ensayo ng CMG 2022 Spring Festival Gala, isinagawa

2022-01-29 18:35:46  CMG
Share with:

Ikaapat na ensayo ng CMG 2022 Spring Festival Gala, isinagawa_fororder_e6a98092bf224e09954557548c109a6b

 

Isinagawa nitong Enero 27, 2022, ang ikaapat na ensayo ng 2022 Spring Festival Gala ng China Media Group (CMG).

 

Sa ensayong ito, sinubok, pangunahin na, ang mga sulong na kagamitan at teknolohiyang gagamitin sa gala, na gaya ng isang napakalaking 720-degree curved LED screen, extended reality (XR), augmented reality (AR), holographic scanning, at 8K naked-eye 3D rendering.

 

Ang Spring Festival Gala ay taunang TV program ng CMG na nagsimula noong 1983, bilang pagdiriwang sa Pestibal ng Tagsibol, pinakamahalagang kapistahan sa Tsina, at karaniwan itong ini-eere sa bisperas ng kapistahang ito.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method