Kabuuang halaga ng kalakalang pangserbisyo ng Tsina noong 2021, lumaki ng 16.1%

2022-01-31 11:19:26  CMG
Share with:

Ayon sa datos na isinapubliko nitong Linggo, Enero 30, 2020 ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong isang taon, patuloy at mabilis na lumaki ang kalakalang pangserbisyo ng Tsina.

Noong buong taong 2021, umabot sa 5.29 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng serbisyo ng Tsina. Ito ay mas malaki ng 16.1% kumpara sa taong 2020.

Kabilang dito, mahigit 2.54 trilyong yuan RMB ang halaga ng pagluluwas ng serbisyo na lumaki ng 31.4%; mahigit 2.75 trilyong yuan RMB naman ang halaga ng pag-aangkat ng serbisyo na lumaki ng 4.8%.

Napakaraming hakbangin ang isinasagawa ng Tsina upang mapalawak ang pagbubukas ng industriyang pangserbisyo.

Ipinangako rin ng Tsina na ibayo pang magsikap upang mapasulong ang pagbubukas ng kalakalang pangserbisyo sa mas mataas na lebel.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method