Ngayong araw, Enero 31, 2022, ay ang bisperas ng Spring Festival o Bagong Taong Tsino.
Bilang pagdiriwang sa pinakamahalagang kapistahang ito sa Tsina, i-eere mamayang gabi ang 2022 Spring Festival Gala ng China Media Group (CMG), at ito ay magiging ika-40 Spring Festival Gala, sapul nang unang gawin ang taunang TV program na ito noong 1983.
Nitong 4 na dekadang nakalipas, laging ginagamit ng production unit ng Spring Festival Gala ang mga bagong kagamitan at teknolohiya, para makapagbigay ng mas mabuting biswal na karanasan sa mga manonood kapwa sa loob ng istudyo at sa harapan ng telebisyon.
Sa taong ito, gagamitin din ang mga sulong na kagamitan at teknolohiya, na gaya ng isang napakalaking 720-degree curved LED screen, extended reality (XR), augmented reality (AR), holographic scanning, at 8K naked-eye 3D rendering.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos