CMG Spring Festival Gala para sa Taon ng Tigre ng Tsina, nasiya-siyang natapos

2022-02-01 12:13:11  CMG
Share with:

Ngayong araw, Pebrero 1, 2022, ay ang unang araw ng Bagong Taong Tsino.

Bilang pagdiriwang sa pinakamahalagang kapistahang ito sa Tsina, ini-ere kahapon ng gabi ang 2022 Spring Festival Gala ng China Media Group (CMG), at ito ay naging ika-40 Spring Festival Gala, sapul nang unang gawin ang taunang TV program na ito noong 1983.

Nitong 4 na dekadang nakalipas, laging ginagamit ng production unit ng Spring Festival Gala ang mga bagong kagamitan at teknolohiya, para makapagbigay ng mas mabuting biswal na karanasan sa mga manonood kapwa sa loob ng istudyo at sa harapan ng telebisyon.

Sa taong ito, ginamit din ang mga sulong na kagamitan at teknolohiya, na gaya ng isang napakalaking 720-degree curved LED screen, extended reality (XR), augmented reality (AR), holographic scanning, at 8K naked-eye 3D rendering.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method