Xi Jinping, binati ang lahat ng mga Tsino sa okasyon ng Spring Festival

2022-01-31 14:58:15  CMG
Share with:

Xi Jinping, binati ang lahat ng mga Tsino sa okasyon ng Spring Festival_fororder_f0b5b585163d4460b3b24a8954244412

 

Habang papalapit ang Spring Festival o Bagong Taong Tsino, ipinahayag kahapon, Enero 30, 2022, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagbati sa lahat ng mga Tsino sa loob at labas ng bansa.

 

Ginawa niya ang pahayag na ito sa pagtitipun-tipon para sa Spring Festival na idinaos ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Konseho ng Estado.

 

Binanggit ni Xi ang ilang mahalagang pangyayari noong 2021, na gaya ng pagdiriwang sa ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng CPC, pagdaraos ng ika-6 na sesyong plenaryo ng Ika-19 na Komite Sentral ng CPC, at pagsasakatuparan ng pagbuo ng may kaginhawahang lipunan sa mataas na antas sa Tsina.

 

Sinabi niyang, noong isang taon, patuloy na nanguna ang Tsina sa daigdig sa kapwa aspekto ng pagpapaunlad ng kabuhayan at pagkontrol sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Ibinubuhos din ng bansa ang malaking pagsisikap sa kaunlaran sa mataas na kalidad, pagpapasulong ng siyensiya at teknolohiya, reporma't pagbubukas sa labas, pagdaragdag ng kagalingan sa mga mamamayan, pagsasakatuparan ng target sa carbon peaking at carbon neutrality, at iba pa, dagdag niya.

 

Nanawagan si Xi sa lahat ng mga Tsino, na patuloy na gumawa ng pagsisikap para sa pagtatatag ng modernong sosyalistang bansa, at magsama-sama para sa pinagbabahaginang kinabukasan.

 

Saad niya, handang-handa na ang Tsina para itaguyod ang maginhawa, ligtas, at kagilas-gilas na Beijing 2022 Winter Olympic at Paralympic Games, at ipinahayag niya ang pag-asang magtatagumpay ang mga atletang Tsino at dayuhan sa mga palarong ito.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method