Puno ng WHO: Beijing Winter Olympics, simbolo ng pag-asa, pagkakaisa, at kapayapaan

2022-02-04 18:00:42  CMG
Share with:

Sinabi ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO), na ang Beijing 2022 Winter Olympics ay simbolo ng pag-asa, pagkakaisa, at kapayapaan.

 

Winika ito ni Tedros pagkaraang dumating siya ng Beijing, kahapon, Pebrero 3, 2022, para dumalo sa seremonya ng pagbubukas ng naturang palaro na nakatakdang idaos sa gabi ng Pebrero 4.

 

Dagdag niya, ang mga elementong ito ay higit na kailangan kaysa dati, habang magkakasamang nilalabanan ng buong daigdig ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Kadalo sa seremonya ng pagbubukas at ibang mga may kinalamang aktibidad ng Beijing 2022 Winter Olympics ang di-kukulangin sa 32 puno ng estado at pamahalaan, at miyembro ng mga pamilyang royal ng ibang bansa, at mga puno ng mga organisasyong pandaigdig.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method