Tinanggap kamakailan ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang nakasulat na eksklusibong panayam na ginawa ni Shen Haixiong, Presidente at Editor-in-Chief ng China Media Group (CMG).
Sinabi ni Putin, na ang kanyang pagdalo sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Winter Olympics ay para ibahagi kasama ng mga kaibigang Tsino ang kagalakang dulot ng pagdaraos ng palarong ito.
Dagdag niya, ginawa ng panig Tsino ang napakahusay na paghahanda para sa Beijing Winter Olympics, at magbibigay-tulong ito sa lahat ng mga atleta na lubos na ipakita ang kasanayan at kakayahan sa palakasan, para maisakatuparan ang kanilang layunin sa mga patas at ligtas na kompetisyon.
Kaugnay naman ng relasyong Sino-Ruso, sinabi ni Putin, na ang partnership ng Rusya at Tsina ay sustenable, napakahalaga, hindi apektado ng pulitikal na klima, at hindi nakatuon sa ibang panig. Nagtatampok ito aniya sa paggagalangan, pagsasaalang-alang sa mga saligang kapakanan ng isa't isa, at pagsunod sa mga pandaigdigang batas at Karta ng United Nations.
Batay sa kasunduan sa pangkapitbansaan at pangkaibigang kooperasyon, umaasa rin aniya si Putin, na ibayo pang susulong ang relasyon ng Rusya at Tsina sa bagong antas.
Editor: Liu Kai
Xi Jinping: Tsina, handa-handa na para sa Beijing Winter Olympics
Mga dayuhang opisyal, patuloy sa pagpapahayag ng mabuting hangarin sa Beijing Winter Olympics
Puno ng IOC: Motto ng Beijing Winter Olympics, itinataguyod ang pagkakaisa at pagtutulungan
Hangarin para sa mabuting pagdaraos ng Beijing 2022 Winter Olympics, ipinahayag ng Lao PM