Sa kanyang pakikipagtagpo Sabado, Pebrero 5, 2022 kay Pangulong Aleksandar Vucic ng Serbia, hinangaan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagkakaibigang balot-sa-bakal ng dalawang bansa.
Umaasa aniya siyang patuloy pang uunlad ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa sa mas maraming pragmatikong kooperasyon.
Umaasa naman si Pangulong Vucic na ibayo pang lalakas ang kooperasyon ng Serbia sa Tsina sa mga larangang gaya ng kabuhayan, kalakalan, pamumuhunan at iba pa.
Salin: Vera
Pulido: Rhio