Tsina, laging mapagkakatiwalaang kaibigan at partner ng Kazakhstan—Xi Jinping

2022-02-05 15:43:58  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo ngayong araw, Pebrero 5, 2022 sa Beijing kay Pangulong Kassym-Jomart Tokayev ng Kazakhstan, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang isang nagsasarili, ligtas, matatag, at masaganang Kazakhstan ay angkop sa komong interes ng mga mamamayan ng Tsina at Kazakhstan.

Tsina, laging mapagkakatiwalaang kaibigan at partner ng Kazakhstan—Xi Jinping_fororder_20220205XiKazakhstan

Aniya, ang Tsina ay laging mapagkakatiwalaang kaibigan at matatag na partner ng panig Kazakh.
 

Nakahanda aniya siyang palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal sa panig Kazakh, palawakin ang komprehensibong kooperasyon, at magkasamang hangarin ang kaunlaran at pag-ahon.
 

Inihayag naman ni Tokayev ang pananabik ng panig Kazakh na ibayo pang palakasin ang sinerhiya ng estratehiyang pangkaunlaran sa panig Tsino, at palalalimin ang relasyong pangkaibigan at pangkapitbansa ng kapuwa panig.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method