Bangketeng panalubong sa mga banyagang panauhin sa Beijing Winter Olympics, inihandog ng pangulo at unang ginang ng Tsina

2022-02-05 18:10:54  CMG
Share with:

Great Hall of the People, Beijing—Isang bangkete ang inihandog ngayong araw, Pebreeo 5, 2022 nina Pangulong Xi Jinping at Unang Ginang Peng Liyuan ng Tsina, bilang pagsalubong sa mga banyagang panauhin na dumalo sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing 2022 Olympic Winter Games.
 

Sa kanyang talumpati, inihayag ni Xi ang mainit na pagtanggap at taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga panauhin,  pamahalaan, mamamayan at organisasyong pandaigdig na sumusuporta sa nasabing Olimpiyada.
 

Tinukoy niyang ang Beijing ay ang unang lunsod sa daigdig na nakapagtaguyod ng kapuwa Summer Olympics at Winter Olympics.
 

Aniya, iginiit ng Tsina ang ideya ng berde, may pinagbabahaginan, bukas at malinis na pagtataguyod ng Olimpiyada.
 

Napanaigan aniya ng Beijing ang epekto ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), mataimtim na ipinatupad ang solemnang pangako sa komunidad ng daigdig, at iginarantiya ang maalwang pagdaraos ng Beijing Winter Olympics, ayon sa nakatakdang iskedul.
 

Diin niya, isinasabalikat ng palakasang Olimpik ang magandang hangarin ng sangkatauhan sa kapayapaan, pagkakaisa at progreso.
 

Dapat din aniyang ipatupad ang simulain ng Olimpiyada, pasulungin ang pagpapalitan ng magkakaibang sibilisasyon, at magkasamang buuin ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method