Isang espesyal na kaldera o Olympic Cauldron ang pinagliyab sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Winter Olympics kagabi, Pebrero 4, 2022, sa National Stadium ng Beijing, Tsina.
Ang nasabing kaldera ay may kakliitan at nakalagay sa gitna ng isang malaking estrukturang mukhang snowflake, na binubuo ng iba pang maliliit na "snowflake."
Dito nakalagay ang pangalan ng mga kalahok na delegasyong pampalakasan sa wikang Tsino at Ingles.
Ayon kay Zhang Yimou, punong direktor ng seremonya ng pagbubukas, ipinahahayag ng malaki at maliliit na "snowflake" ang ideya ng "pagkakaisa," samantalang ang may kaliitang kaldera ay pagsasaalang-alang sa low-carbon at pangangalaga sa kapaligiran.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan