Atletang Ruso na nakakuha ng unang medalyang ginto sa Beijing Winter Olympics, pinuri ni Putin

2022-02-07 15:36:37  CMG
Share with:

Atletang Ruso na nakakuha ng unang medalyang ginto sa Beijing Winter Olympics, pinuri ni Putin_fororder_20220207Rusya

Isang mensahe ang ipinadala Linggo, Pebrero 6, 2022 ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya sa atletang Ruso na si Alexander Bolshunov, bilang pagbati sa pagiging kampeon niya sa Cross-Country Skiing Men's 15km + 15km Skiathlon sa Beijing Winter Olympics.
 

Ito ang kauna-unahang medalyang ginto na napasakamay ng Rusya sa kasalukuyang Olimpiyada.
 

Ini-ulat naman ng ITAR-TASS News Agency, na sinabi ng ministro ng palakasan ng Rusya na ito ang unang medalyang ginto ng bansa sa naturang event sa Winter Olympics sapul noong 2006.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method