Mga Pangulo ng Tsina at Rusya, nagtagpo

2022-02-04 20:32:53  CMG
Share with:

Mga Pangulo ng Tsina at Rusya, nagtagpo_fororder_1128330645_1643973519120_title0h

 

Nagtagpo ngayong hapon, Pebrero 4, 2022, sa Beijing, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya.

 

Tinukoy ni Xi, na sa paanyaya ni Putin, dumalo siya sa seremonya ng pagbubukas ng 2014 Winter Olympics sa Sochi, at noong panahong iyon, ipinangako nilang muling magtatagpo sa Beijing para sa 2022 Winter Olympics. Aniya, ang kasalukuyang biyahe ni Putin ay bilang pagtupad ng pangakong ito.

 

Binigyang-diin ni Xi, na nananatiling matatag ang pagsulong ng relasyong Sino-Ruso, sinusuportahan ng dalawang bansa ang isa't isa para pangalagaan ang sariling mga nukleong kapakanan, at tumitibay ang kanilang pulitikal at estratehikong pagtitiwalaan.

 

Umaasa rin aniya si Xi, na batay sa napakagandang relasyon, matatamo ng Tsina at Rusya ang mas maraming bunga sa kanilang kooperasyon sa iba't ibang larangan, at magbibigay ang dalawang bansa ng mas malaking ambag sa mga suliraning pandaigdig.

 

Ipinahayag naman ni Putin, na tuwang-tuwa siyang dumalo sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Winter Olympics. Hinahangaan niya ang napakahusay na paghahanda ng panig Tsino para ihandog sa daigdig ang kagilas-gilas na palaro.

 

Binigyang-diin ni Putin, na ang Tsina ay pinakamahalagang katuwang at pinakamatalik na kaibigan ng Rusya. Aniya, ang pagpapalalim ng komprehensibo at estratehikong kooperasyon ng Rusya at Tsina ay mahalaga para sa hindi lamang komong kapakanan ng dalawang bansa, kundi rin estratehikong katiwasayan at katatagan ng daigdig.

 

Nakahanda rin aniya ang Rusya, kasama ng Tsina, na palakasin ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan, palalimin ang kooperasyon sa iba't ibang larangan, at pasulungin ang pagbuo ng mas makatarungan at makatwirang kaayusang pandaigdig.

 

Pagkaraan ng pagtatagpo, inilabas din ng Tsina at Rusya ang magkasanib na pahayag tungkol sa komong posisyon ng dalawang bansa sa demokrasya, kaunlaran, katiwasayan, at kaayusan.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method