Mahigit 20,000 toneladang kargo, naihatid sa pamamagitan ng China-Laos Railway noong bakasyon ng Spring Festival

2022-02-08 12:20:04  CMG
Share with:

Mahigit 20,000 toneladang kargo, naihatid sa pamamagitan ng China-Laos Railway noong bakasyon ng Spring Festival_fororder_China-Laos Railway

Inihayag kahapon, Pebrero 7, 2022 ng Adwana ng Kunming, Lalawigang Yunnan, lumisan at dumating ng Tsina ang 42 freight train sa pamamagitan ng China-Laos Railway sa loob ng isang linggong bakasyon ng Spring Festival mula Enero 31 hanggang Pebrero 6, 2022.
 

Halos 20,300 toneladang kargo na nagkakahalaga ng 217 milyong yuan RMB (mga $USD 34 milyon) ang naihatid ng mga tren sa nasabing bakasyon, dagdag ng kagawaran.
 

Anito pa, hanggang Pebrero 6, mahigit 300 international freight train na may dalang 126,600 toneladang paninda ang lumisan at dumating ng Tsina, sa pamamagitan ng daambakal.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method