Ayon sa kawanihan ng transportasyon ng lalawigang Yunnan sa timog kanluran ng Tsina, sapul nang isaoperasyon noong Disyembre, 2021 ang China-Laos Railway, inihatid na sa pamamagitan nito ang mahigit 1 milyong pasahero at 500 libong toneladang kargo.
Kabilang sa mga kargo, ang mga 100 libong tonelada na mga paninda para sa kalakalang panlabas sa pagitan ng Tsina at Laos.
Dumarami rin ang uri ng mga kargo, na sumasaklaw sa mga pang-araw-araw na gamit na gaya ng bigas at serbesa, pagkain para sa hayop, pataba, mga produkto ng komunikasyon, photovoltaic, sasakyan, panghabi, at iba pa.
Nag-uugnay sa Kunming, punong lunsod ng lalawigang Yunnan at Vientiane, kabisera ng Laos, ang 1,035-kilometrong China-Laos Railway ay nagsimulang tumakbo noong December 3, 2021.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos