Ayon sa ulat, nagsadya nitong Miyerkules sa Australia si Antony Blinken, Kahilim ng Estado ng Amerika, para dumalo sa ika-4 na pulong ng mga ministrong panlabas ng Quad na binubuo ng Amerika, Hapon, India at Australia. Tatalakayin sa nasabing pulong ang hinggil sa hamong dulot ng democratic value ng Tsina sa kaayusang pandaigdig.
Kaugnay nito, sinabi kahapon, Pebrero 9, 2022 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dapat sundin ng anumang mekanismong multilateralismo ang agos ng panahon na may kapayapaan at kaunlaran, at dapat makatulong din ito sa pagpapahigpit ng pagtitiwalaan at pagtutulungan ng iba’t ibang bansa.
Umaasa aniya siyang itatakwil ng Amerika at mga kaukulang bansa ang kaisipan ng cold war, at gagawin ang mas maraming ambag para sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyon.
Salin: Vera
Pulido: Mac