Ika-2 pangkat ng bakuna kontra COVID-19 na ibinigay ng hukbong Tsino sa hukbong Biyetnames, dumating ng Hanoi

2022-02-10 12:26:54  CMG
Share with:

Noi Bai International Airport, Hanoi—Tinanggap Martes, Pebrero 8, 2022 ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Biyetnam ang ika-2 pangkat ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na kaloob ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina.
 

Sa handover ceremony, sinabi ni Xiong Bo, Embahador ng Tsina sa Biyetnam, na ang pagpapalakas ng kooperasyon laban sa pandemiya ay may priyoridad na larangan ng koopersyong Sino-Biyetnam ngayon.
 

Aniya, nakahanda ang panig Tsino na ipagkaloob sa abot ng makakaya ang tulong para sa pagpuksa ng Biyetnam sa pandemiya.

Ika-2 pangkat ng bakuna kontra COVID-19 na ibinigay ng hukbong Tsino sa hukbong Biyetnames, dumating ng Hanoi_fororder_20220210Biyetnam

Sa ngalan ng hukbong Biyetnames, pinasalamatan ni Hoang Xuan Chien, Pangalawang Ministro ng Tanggulang Bansa ng Biyetnam, ang muling ibinigay na saklolo ng panig Tsino.
 

Sa palagay nito, ipinamamalas nito ang mapagkaibigang relasyon ng Tsina at Biyetnam na parang “comrades at magkapatid.”
 

Noong Agosto 23, natanggap ng hukbong Biyetnames ang unang pangkat ng Sinopharm vaccines na kaloob ng PLA.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method