Pangulong Tsino, nagpa-abot ng mabuting hangarin sa kanyang Turkish counterpart

2022-02-10 15:01:31  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagkahawa sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ni Pangulong Recep Tayyip Erdogan ng Turkey at ng kanyang unang ginang, ipinadala ngayong araw, Pebrero 10, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kanyang personal na pangungumusta maging ng asawang si Peng Liyuan sa unang mag-asawa ng Turkey.
 

Inihayag din niya ang pag-asang agad silang gagaling.
 

Saad ni Xi, patuloy at buong tatag na susuportahan ng panig Tsino ang paglaban ng Turkey sa pandemiya.
 

Dagdag niya, lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyong Sino-Turkish, at nakahandang magpunyagi, kasama ni Pangulong Erdogan, para mapasulong ang pagtaas ng estratehiko’t kooperatibong relasyon ng dalawang bansa sa bagong antas.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method