Tsina at Turkey, magpupunyagi para palakasin ang pagtitiwalaan at pagkakatigan

2022-01-13 15:30:31  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo kay Mevlut Cavusoglu, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Turkey nitong Miyerkules, Enero 12, 2022, ipinagdiinan ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na bilang estratehikong partner, dapat magpunyagi ang Tsina at Turkey para mapahigpit ang pagtitiwalaan at pagkakatigan.
 

Isinalaysay rin ni Wang ang paninindigan ng Tsina sa kooperasyon ng Amerika, Britanya at Australia sa nuclear-powered submarine.

Tsina at Turkey, magpupunyagi para palakasin ang pagtitiwalaan at pagkakatigan_fororder_20220113Turkey

Aniya, ang gaitong masamang aksyon ay tiyak na magdudulot ng panganib sa proliperasyong nuklear, at maglulunsad ng bagong round ng regional arms race.
 

Saad ni Wang, nakahanda ang panig Tsino, kasama ng iba’t-ibang bansa, na ipagtanggol ang pandaigdigang nuclear non-proliferation.
 

Kaugnay ng Beijing Olympic Winter Games, sinang-ayunan naman ni Cavusoglu na hindi dapat isapulitika ang palakasan.
 

Nananalig aniya siyang tiyak na magiging matagumpay at kasiya-siya ang Beijing Winter Olympics.
 

Slain: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method