Tsina, palalalimin ang pakikipagkooperasyon sa Turkey sa larangan ng bakuna

2021-07-14 10:52:10  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono nitong Martes ng gabi, Hulyo 13, 2021 kay Pangulong Recep Tayyip Erdogan ng Turkey, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sasalubungin ng Tsina at Turkey ang ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng Turkey para mapasulong ang pagtatamo ng mas malaking pag-unlad ng estratehikong relasyong pangkooperasyon ng dalawang bansa.

Ipinahayag pa ni Xi ang kahandaan ng Tsina na palalimin ang pakikipagkooperasyon sa Turkey sa larangan ng bakuna para tulungan ang Turkey sa pagtatagumpay ng pandemiya sa lalong madaling panahon.

Ipinahayag naman ni Erdogan ang pagpapahalaga ng Turkey sa pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina. Pinasalamatan niya ang ibinibigay na mahalagang suporta ng Tsina sa Turkey sa pakikibaka laban sa pandemiya.

Kinikilala at pinagkakatiwalaan aniya ng daigdig ang kaligtasan at pagiging mabisa ng bakunang Tsino. Umaasa ang Turkey na mapapalakas ang pakikipagtulungan sa Tsina sa larangan ng bakuna, diin pa niya.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method