Ika-50 anibersaryo ng ugnayang Sino-Turko, ipinagdiriwang: mensaheng pambati, ipinadala ng mga lider ng Tsina at Turkey sa isa’t-isa

2021-08-04 10:53:41  CMG
Share with:

Miyerkules, Agosto 4, 2021, ipinadala nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Recep Tayyip Erdogan ng Turkey ang mensaheng pambati sa isa’t-isa bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

Tinukoy ni Xi na nitong 50 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Turkey, matatag na umuunlad ang nasabing ugnayan.

Lubos aniyang pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon sa Turkey.

Ani Xi, nakahanda siyang magsikap kasama ni Erdogan para mapabilis ang pag-uugnayan ng estratehiyang pangkaunlaran ng kapuwa panig at makapaghatid ng benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.

Sa kanya namang mensahe, ipinahayag ni Erdogan na nitong kalahating siglong nakalipas, napakalaking progreso ang natamo ng kooperasyon ng Turkey at Tsina sa mga larangang gaya ng kalakalan, pamumuhunan, komunikasyon, at turismo.

Lubos aniyang pinahahalagahan ng Turkey ang pag-unlad ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa, at patuloy na isusulong ang estratehikong kooperasyon ng kapuwa panig.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method