Vlog ni Kulas: Unang subok ng snowboarding

2022-02-17 10:20:50  CMG
Share with:

 

Bunga ng Beijing 2022 Olympic Winter Games, tumataas ang interes ng mga tao sa winter sports.

 

Sa nakaraang Vlog ni Kulas, bumalik siya sa kanyang hayskul para mag-enjoy ng skating. Ngayon naman sa episode na ito, susubukan niya ang snowboarding.

 

Kamakailan, natutunan ni Kulas ang skiing mula sa kanyang kaibigan. Sa loob ng tatlong araw, maraming beses siyang natumba, pero sa wakas ay nagtagumpay siya!

 

Sa snowboarding, gusto ni Kulas gamitin ang kanyang kaliwang paa sa harap, ito ay tinatawag na “regular.” Kung ang kanang paa ang nakagawiang paa sa harap, ang tawag naman ay “goofy”.

 

Bukod sa snowboarding, mayroon ding skiing na gumagamit ng dalawang skiis. Ang kilalang-kilalang paligsahan sa Olympic Winter Games na alpine-skiing ay isang skiing sports.

 

Sa Beijing 2022 Olympic Winter Games, ang nag-iisang atletang kinatawan ng Pilipinas na si Asa Miller ay isang atleta ng alpine-skiing. Lumaban siya sa paligsahan ng slalom at giant slalom ng Alpine Skiing.

 

 

Script/Video: Kulas

Pulido: Mac, Jade

Patnugot sa website: Jade 

Please select the login method