Vlog ni Kulas: Masayang Winter Sports sa Paaralan

2022-01-20 13:01:52  CMG
Share with:

 

Malamang marami sa mga Pinoy ang nagtataka sa yelo at niyebe kasi walang taglamig diyan sa Pilipinas. Pero para sa mga batang isinilang at lumaki sa Shenyang, gawing hilagang-silangang Tsina, napakapamilyar sa kanila ng yelo at niyebe.

 

Tulad ng alam ng lahat, paparating na ang Beijing 2022 Olympic Winter Games. Masusulyapan ninyo sa video na ito ang isang enggrandeng karnabal ng mga larong pantaglamig sa isang paaralan sa lunsod Shenyang. 

 

Ang taglamig sa Shenyang ay mahaba, sa karaniwan ay tumatagal nang lampas limang buwan, mula Nobyembre hanggang sa Marso ng susunod na taon. Napakababa ng temperatura, napakalakas ng hangin at napakadalas ng panahong niyebe. Masasabing ang yelo at niyebe ay di mabuburang alaala ng bawat batang isinilang sa hilagang Tsina. Sa taglamig, marami silang aktibidad at sports tungkol sa yelo at niyebe. Ang mga ito ay hindi lamang nangyayari sa mga kompetisyon, kundi rin sa karaniwang buhay saanman.

 

Sa Shenyang No.20 Middle School, may tradisyon na pagdidilig ng palaruan para maging ice rink ito tuwing taglamig. Bawat estudyante ay binibigyan ng isang pares ng sapatos na pang-iskating at lumalahok sa klase para matuto ng larong ito. Ang layunin nito ay magbigay ng pagkakataon sa mga estudyante na sumali sa winter sports at itinuturing ito bilang isang di maaaring mawalang extracurricular activity.

 

Bukod sa skating, nag-oorganisa rin ang paaralan ng curling, ice hockey at ibang mga laro. Bunga nito, ang mga estudyante ay maaaring magpakasaya sa yelo at niyebe.

 

Sa wikang Tsino, ang ganitong paraang environmental-friendly ay inilalarawan na “寓教于乐yù jiào yú lè”, ibig sabihing nagtuturo habang naglilibang. Habang inaalis ang stress ng pag-aaral, nag-eehersisyo ang mga estudyante ng pangangatawan, at nalulugod sa kaligayahang binibiyayaan ng kalikasan.

 

Ang ganitong aktibidad ay hindi lamang makikita sa Shenyang, sa buong Tsina, maraming paaralan ang mayroong klase o nagbibigay karanasan sa skiing, skating, ice hockey at ibang mga winter sports.

 

Dahil sa Beijing 2022 Olympic Winter Games, mga 300 milyong tao ang naeengganyong tumapak sa yelo’t niyebe, sumasali sa winter sports at dumaranas ng turismong yelo’t niyebe.

 

Video/Script: Kulas Wang

Patnugot sa script: Mac/Jade

Patnugot sa web: Jade/Kulas 

Espesyal na pasasalamat kina Yong Jun at Cai Yifei

Please select the login method