Thomas Bach: Mga atleta, nasisiyahan sa Beijing 2022

2022-02-18 15:42:50  CMG
Share with:

Thomas Bach: Mga atleta, nasisiyahan sa Beijing 2022_fororder_20220218IOC

Sa isang news briefing Biyernes, Pebrero 18, 2022, sinabi ni Thomas Bach, Presidente ng International Olympic Committee (IOC) na nasisiyahan ng higit sa inaasahan ang mga atleta sa mga venue, village, serbisyo at kaligtasan ng Beijing 2022 Olympics Winter Games, na ginaganap sa ilalim ng napakahirap na kalagayan ng mabilis na pagkalat ng Omicron variant.
 

Dagdag niya, napakamatagumpay ng closed-loop management ng Beijing 2022. Ligtas at komportable ang pakiramdam ng lahat sa loob ng closed-loop.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method