CMG Komentaryo: Viewing rate ng Beijing Winter Olympics, pinakamataas sa kasaysayan

2022-02-17 17:30:15  CMG
Share with:

"Pinakamataas sa kasaysayan ang viewing rate ng Beijing Olympic Winter Games."
 

Ito ang ipinahayag ng International Olympic Committee (IOC) at Beijing 2022 Organizing Committee (BOCOG) Miyerkules, Pebrero 16, 2022. Nauna rito, sinabi ng Olympic Broadcasting Services (OBS) na ang Beijing Winter Olympics ay nakahikayat ng mahigit 2 bilyong netizen sa social media.

CMG Komentaryo: Viewing rate ng Beijing Winter Olympics, pinakamataas sa kasaysayan_fororder_20220217komentaryo

Ang nasabing record-high viewing rate ay hindi lamang lubusang sumira  sa pagtaya ng ilang kanluraning media na magiging mapanglaw ang naturang Olimpiyada, kundi nagpapatunay ring ang kasiglahan, kaligayaan at pagkakaibigang dulot ng palakasan sa yelo’t niyebe ay pinagbabahaginan ng lahat ng mga mamamayan ng buong mundo.
 

Ang pagkakaisa, pagtutulungan, at pag-asang ipinamamalas ng Beijing Winter Olympics ay nagsisilbing nakapagpasiglang kompiyansa at puwersa para sa iba’t-ibang bansa.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method