Ipinadala Huwebes, Pebrero 17, 2022 ng pamahalaang sentral ng Tsina ang isang grupo ng mga dalubhasa sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), para magbigay-tulong sa paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa lokalidad.
Pagpasok ng Pebrero, biglang tumataas ang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Hong Kong.
Nitong Miyerkules, umabot sa 6,116 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso sa Hong Kong, at 24 naman ang bilang ng mga pumanaw.
Salin: Vera
Pulido: Mac