Tsina, masaya sa positibong pagtasa sa Beijing Winter Olympics ng IOC

2022-02-19 18:30:03  CMG
Share with:

Sinabi kahapon, Pebrero 18, 2022, ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ikinagagalak ng panig Tsino na ang iba't ibang gawaing may kinalaman sa Beijing Winter Olympics ay binibigyan ng positibong pagtasa ng mga opisyal ng International Olympic Committee at mga kalahok na delegasyon at atleta sa palaro.

 

Tinukoy ni Wang, na sa kabila ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), binuksan ayon sa iskedyul at maayos na idinaraos ang Beijing Winter Olympics. Aniya, sa pamamagitan ng pagpapakita ng pinakamahusay na sarili, tinutupad ng mga atleta ng iba't ibang bansa ang Olympic motto na "Faster, Higher, Stronger -- Together".

 

Dagdag ni Wang, patuloy na magsisikap ang panig Tsino, kasama ng lahat ng mga may kinalamang panig, para tiyakin ang perpektong pagtapos ng Beijing Winter Olympics at matagumpay na pagbubukas ng Winter Paralympics, at magbigay ng bagong ambag para sa pagpapasulong ng Kilusang Olimpik, at pagkakaisa at pag-unlad ng sangkatauhan.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method