Pirmihang Komite ng NPC ng Tsina, magpupulong bilang paghahanda sa taunang sesyon

2022-02-19 18:28:23  CMG
Share with:

Ayon sa ulat kahapon, Pebrero 18, 2022, ng Pirmihang Komite ng Ika-13 National People's Congress (NPC) ng Tsina, magpupulong ito sa darating na ika-27 at ika-28 ng Pebrero sa Beijing.

 

Ang pangunahing tungkulin ng pulong na ito ay paggawa ng paghahanda para sa ikalimang taunang sesyon ng Ika-13 NPC na bubuksan sa Marso 5.

 

Sa naturang dalawang araw na pulong, tatalakayin ng mga mambabatas ang ulat sa mga gawain ng Pirmihang Komite ng NPC, na isusumite sa idaraos na taunang sesyon.

 

Susuriin din nila ang panukalang ahenda at ibang mga may kinalamang dokumento ng nabanggit na kapulungan.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method