Beijing 2022 Winter Paralympics, gaganapin mula Marso 4 hanggang 13

2022-02-20 18:03:30  CMG
Share with:

Beijing 2022 Winter Paralympics, gaganapin mula Marso 4 hanggang 13_fororder_20220220paralympics

Idinaos Linggo, Pebrero 20, 2022 ng 2022 Beijing Media Center ang espesyal na news briefing kung saan isinalaysay ang tungkol sa Beijing Winter Paralympics.

Ayon sa ulat, gaganapin ang Beijing 2022 Winter Paralympics mula Marso 4 hanggang 13 sa Beijing at Zhangjiakou.

Ayon din sa nasabing news briefing, pormal na bubuuin ang delegasyong Tsino sa Winter Paralympics na sasali sa lahat ng 6 na events.

Ang matagumpay na pagbi-bid ng Tsina sa Beijing 2022 Winter Olympics at Paralympics ay nakakapagpasulong ng malaki sa pag-unlad ng Winter Paralympic sports ng bansa.


Salin: Lito

Please select the login method