Kaugnay ng katatapos na pagtatagpo nina Wang Yang Jiechi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Jake Sullivan, Tagapayo ng Pambansang Seguridad ng Amerika, ipinahayag Biyernes, Oktubre 8, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na konstruktibo ang pagtatagpong ito na nakatulong sa pagpapalalim ng pag-uunawaan ng kapwa panig.
Ani Zhao, inilahad ni Yang ang solemnang posisyon ng panig Tsino sa mga isyung tulad ng Taiwan, Hong Kong, Xinjiang, Tibet, teritoryo sa dagat, at karapatang pantao. Hiniling din niya sa panig Amerikano na totohanang igalang ang kaligtasan ng soberanya at kapakanan ng pag-unlad ng panig Tsino, at itigil ang paggamit ng nasabing mga isyu para manghimasok sa mga suliraning panloob ng Tsina.
Salin: Lito
Pulido: Mac