Pagresolba sa isyu ng Ukraine sa paraang diplomatiko, komong palagay ng mga lider ng Rusya at Pransya

2022-02-21 16:26:35  CMG
Share with:

Sa kanilang pag-uusap sa telepono nitong Linggo, Pebrero 20, 2022, kapuwa ipinalalagay nina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya at Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya na dapat resolbahin ang isyu ng Ukraine sa paraang diplomatiko.
 

Ayon sa ulat na inilabas nang araw ring iyon sa website ng Kremlin, inihayag ng dalawang lider ang malubhang pagkabahala sa biglaang paglala ng kalagayan sa contact line sa silangang Ukraine.
 

Anang ulat, ipinalalagay ng kapuwa panig na dapat hanapin ang solusyon, sa ilalim ng Normandy Format sa paraang diplomatiko, upang maisakatuparan ang tigil-putukan, at unti-unting resolbahin ang sagupaan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method