Binigyang-diin kahapon, Pebrero 18, 2022, ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na habang hinahanap ang solusyong pulitikal para sa tensyon sa Ukraine, hindi dapat gamitin ang digmaan bilang "smokescreen" o tabing para makipag-tawaran.
Hindi rin dapat pagbantaan ng pagpapataw ng mga sangsyon o sulsulan ang komprontasyon sa pagitan ng mga panig, dagdag ni Wang.
Nauna rito, sinabi ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, na batay sa impormasyon ng intelligence, tumatahak ang Rusya sa landas ng digmaan laban sa Ukraine, at posibleng ilulunsad ang pagsalakay sa darating na ilang araw.
Samantala, pinabulaanan naman ni Pangalawang Ministrong Panlabas Sergey Vershinin ng Rusya ang pahayag ni Blinken, at sinabi niyang walang batayan ang naturang impormasyon.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos