Pagkakalat ng pekeng impormasyon, para magkamit ng kapakanang pulitikal, mapanganib—tagapagsalitang Tsino

2022-02-17 16:09:51  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagbatikos ng ilang pulitikong Amerikano at Kanluranin sa paninindigan ng Tsina sa isyu ng Ukraine at relasyong Sino-Ruso, hinimok kahapon, Pebrero 16, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina ang mga kaukulang panig na itigil ang paglalabas ng mga pananalitang lalong magpapasidhi sa maigting na kalagayan.
 

Aniya, ang paghahanap ng personal na kapakanang pulitikal, sa pamamagitan ng pagkakalat ng komprontasyon at pekeng impormasyon ay imoral at napakapanganib.
 

Tinukoy niyang, nitong nakalipas na ilang araw, pinapalaki ng Amerika ang banta ng digmaan, at nililikha ang maigting na atmospera, bagay na nagbunga ng malubhang epekto sa katatagan ng kabuhaya’t lipunan at pamumuhay ng mga mamamayan ng Ukraine.
 

Ito rin aniya ay nakapaglatag ng hadlang sa pagpapasulong ng diyalogo’t negosasyon ng mga direktang may-kinalamang panig.
 

Umaasa aniya siyang ititigil ng mga pulitikong Amerikano at kanilang mga kaalyado ang ganitong kilos at gagawin ang mas makakabuti sa kapayapaan, pagtitiwalaan at kooperasyon.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method