Bilang tugon sa pagkilala ng Rusya sa pagkakatatag ng Donetsk People's Republic at Luhansk People's Republic, dalawang bansa sa dakong silangan ng Ukraine, nilagdaan kahapon, Pebrero, 21, 2022 ni Pangulong Joseph Biden ng Amerika ang kautusang nagbabawal sa mga Amerikano na magsagawa ng mga bagong aktibidad pang-negosyo at komersyal sa naturang rehiyong.
Ayon sa pahayag ni Jen Psaki, Press Sectary ng White House, isasagawa ng Amerika ang mga sangsyon sa mga taong lalabag sa nasabing kautusan. Ipinahayag din niyang kung ibayo pang lulusubin ng Rusya ang Ukraine, isasagawa ng Amerika, kasama ng mga kaalyadong bansa ang mas mahigpit na sangsyong pangkabuhayan sa Rusya.
Kaugnay ng maigting na tensyon sa pagitan ng Rusya at Ukraine, ipinahayag ng Pamahalaang Ruso na ang pagdedeploy ng Amerika at NATO ng puwersang militar sa Ukraine ay banta sa seguridad ng Rusya. Ipinahayag din ng Rusya na karapatan nitong magtalaga ng mga tropa sa loob ng teritoryo ng bansa, at wala itong balak umatake sa anumang bansa.