Makatuwirang pagresolba sa isyu ng Ukraine sa pamamagitan ng diplomatikong pagsisikap, ipinanawagan ng kinatawang Tsino

2022-02-22 16:10:40  CMG
Share with:

Makatuwirang pagresolba sa isyu ng Ukraine sa pamamagitan ng diplomatikong pagsisikap, ipinanawagan ng kinatawang Tsino_fororder_20220222ZhangJun

Sa pangkagipitang pulong ng United Nations Security Council (UNSC) hinggil sa isyu ng Ukraine nitong Lunes, Pebrero 21, 2022, nanawagan si Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, sa iba’t-ibang kaukulang panig na magtimpi, at hanapin ang makatuwirang solusyon sa isyung ito, sa pamamagitan ng diplomatikong pagsisikap.
 

Saad ni Zhang, pinag-uukulan ng lubos na pansin ng panig Tsino ang pinakahuling kalagayan sa Ukraine.
 

Sa ilalim ng kasalukuyang kondisyon, dapat aniyang magtimpi ang iba’t-ibang kaukulang panig, upang maiwasan ang anumang aksyong posibleng magpasidhi ng maigting na kalagayan.
 

Dagdag niya, palagiang ipinapasiya ng panig Tsino ang sariling paninindigan, batay sa katotohanan ng pangyayari.
 

Nananangan aniya ang Tsina na mapayapang mareresolba ng iba’t-ibang bansa ang mga alitang pandaigdig, ayon sa simulain ng Karta ng UN.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method