Nilagdaan kagabi, Pebrero 21, 2022 ni Pangulong Vladimir Putin ang kautusan para kilalanin ang pagkakatatag ng Donetsk People's Republic at Luhansk People's Republic, dalawang bansa sa dakong silangan ng Ukraine.
Ayon sa pahayag ng panig Ruso, nagpulong kahapon ang Russian Security Council para talakayin ang kalagayan ng rehiyon ng Donbas sa dakong silangan ng Ukraine.
Pagkatapos nito, nilagdaan ni Pangulong Putin ang kautusan para kilalanin ang pagkakatatag ng Donetsk People's Republic at Luhansk People's Republic.
Magkahiwalay na nilagdaan din ni Putin ang mga kasunduang pangkaibigan at pangkooperasyon ng Rusya at nabanggit na dalawang bansa.