Xi Jinping, ipinagdiinan ang magkasamang pagtatatag ng magandang cyberspace

2021-11-19 16:03:50  CMG
Share with:

Binuksan kaninang umaga, Nobyembre 19, 2021 sa Beijing ang kauna-unahang China Internet Civilization Conference na may temang “Gather Strength for Good Deeds, Jointly Build Internet Civilization.”
 

Sa kanyang liham na pambati sa komperensya, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang sibilisasyon ng internet ay mahalagang nilalaman ng sibilisasyong panlipunan sa ilalim ng bagong kalagayan, at ito rin ang mahalagang larangan ng pagtatatag ng malakas na bansa ng internet.
 

Aniya, nitong nakalipas na ilang taon, aktibong pinasulong ng bansa ang pagsasaayos sa mga nilalaman sa internet, at kapansin-pansing bunga ang natamo sa konstruksyon ng sibilisasyon ng internet.
 

Hinimok niya ang mga komite ng partido at pamahalaan sa iba’t ibang antas na isabalikat ang sariling responsibilidad, para koordinahin ang pag-unlad at pangangasiwa, at pasulungin ang integrasyon ng online at offline.
 

Dapat patingkarin ng mga online platforms, organisasyong di-pampamahalaan at netizens ang positibong papel, upang magkakasamang likhain ang magandang cyberspace, dagdag ni Xi.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method