Noong Enero 27, sinagot ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang liham na padala ni Adam Foster, Tagapangulo ng Helen Foster Snow Foundation.
Tinukoy ni Xi na nakapagbigay ng malaking ambag sa pagpapasulong ng Industrial Cooperative Movement ng Tsina at pagkakatatag ng Shandan Peili School ang tiyo at tiya sa tuhod ni Foster na sina Ginoo at Ginang Snow.
Hindi aniya malilimutan ng mga mamamayang Tsino ang mga kaibigang internasyonal na kinabibilangan ng mag-asawang Snow.
Umaasa si Pangulong Xi na patuloy na nagsisikap si Adam Foster at kanyang foundation para mapahigpit ang pagkakaibigan ng Tsina at Amerika.
Noong dekada 30, bilang correspondent ng ilang dayuhang media sa Tsina, naglakabay sina Ginoo at Ginang Snow sa maraming lugar ng bansa, at kinapanayam nila ang mga lider na kinabibilangan ni Chairman Mao Zedong.
Sila rin ay naging saksi sa pagkakatatag ng bagong Tsina.
Kamakailan ay nagpadala ng liham kay Pangulong Xi si Adam Foster, pamangkin sa tuhod ni Ginang Snow at Presidente Helen Foster Snow Foundation.
Sinabi niyang nais niyang maging tulay sa pagitan ng mga mamamayan ng Amerika at Tsina at patuloy na pasulungin ang pagpapalitan ng dalawang bansa.
Salin: Sissi
Pulido: Rhio
Sa pagbalik sa JCPOA: Ilang sangsyon laban sa Iran, inalis ng pamahalaang Amerikano
Maling aksyon ng Amerika malubhang nakapinsala sa pandaigdigang kapaligirang pangkalakalan — Tsina
Tsina, di-interesadong kunin sa South China Sea ang bumagsak na fighter jet ng Amerika
Nakakalito at hindi makatwiran ang lohika ng pag-aalis ng mga diplomata Amerika — Tsina