Isang liham ang ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, bilang pagbati sa seremonya ng inagurasyon ng Mwalimu Julius Nyerere Leadership School, Miyerkules, Pebrero 23, 2022 sa Tanzania.
Groundbreaking ceremony ng Mwalimu Julius Nyerere Leadership School sa Kibaha, Tanzania, Hulyo 16, 2018.
Groundbreaking ceremony of the Mwalimu Julius Nyerere Leadership School in Kibaha, Tanzania, July 16, 2018.
Ang nasabing leadership school ay magkakasamang itinatag ng 6 na partido sa timog na bahagi ng Aprika na kinabibilangan ng Chama Cha Mapinduzi Party ng Tanzania, African National Congress ng South Africa, Mozambique Liberation Front Party, People's Movement for the Liberation of Angola, SWAPO Party ng Namibia at Zimbabwe African National Union-Patriotic Front.
Tinukoy ni Xi na ang pagsasa-operasyon ng naturang leadership school ay magkakaloob ng mahalagang plataporma para sa pagpapalakas ng sariling kakayahan sa pangangasiwa, ng naturang 6 na partido.
Ito rin aniya ay makakatulong sa mas mainam na pamumuno ng kanilang mga sariling bansa tungo sa pagsasakatuparan ng pag-ahon at paghahatid ng benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.
Dagdag niya, nakahanda ang Partido Komunista ng Tsina (CPC) na gawing pagkakataon ang pagtatatag ng paaralang ito, upang mapalakas ang pakikipagpalitan sa mga partido ng iba’t-ibang bansang Aprikano, mapalalim ang pragmatikong kooperasyon sa iba’t-ibang larangan, mapasulong ang pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Aprika sa mataas na lebel, at gawin ang mas malaking bagong ambag, para sa pagtatatag ng mas magandang daigdig.
Salin: Vera
Pulido: Rhio