UN, magkakaloob ng mas maraming makataong tulong sa Ukraine

2022-02-27 14:46:43  CMG
Share with:

Sa pag-uusap sa telepono nitong Sabado, Pebrero 26, 2022 nina António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) at Pangulong Volodymyr Oleksandrovych Zelensky ng Ukraine, ipinahayag ng una na magkakaloob ng mas maraming makataong tulong ang UN sa Ukraine.

Sinabi ni Guterres na ilalabas sa unang araw ng Marso ang panawagan sa donasyon para sa nasabing makataong aksyon.

Ayon pa kay Stephane Dujarric, Tagapagsalita ng Pangkalahatang Kalihim ng UN, na dahil sa walang patid na paglala ng maigting na situwasyon sa Ukraine, hindi dadalo si Guterres sa ika-49 na Pulong ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na nakatakdang idaos sa Geneva sa ika-28 ng kasalukuyang buwan.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method