Sa pag-uusap sa telepono, Pebrero 25, 2022, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, ipinahayag ni Xi ang pagsuporta sa paglutas ng Rusya at Ukraine ng mga isyu sa pamamagitan ng negosasyon. Aniya, ang paninindigan ng Tsina ay batay sa isyu mismo ng Ukraine, dapat itakwil ang kaisipan ng Cold War, pahalagahan at igalang ang pagkabahala sa seguridad ng iba't ibang bansa, at isagawa ang negosasyon para buuin ang balanse, mabisa, at sustenableng sistemang panseguridad ng Europa. Sinabi naman ni Putin, na nakahanda ang panig Ruso na isagawa, kasama ng panig Ukrainyan, ang negosasyon sa mataas na antas.
Ang mahalagang pag-uusap na ito ay pinakahuling pagsisikap ng Tsina para pasulungin ang pulitikal na paglutas sa isyu ng Ukraine, at ito ay batay sa posisyon ng Tsina bilang responsableng malaking bansa. Ipinakikita rin nitong, ang diyalogo ay tanging makatwirang pagpili para sa paglutas ng krisis ng Ukraine.
Ayon sa pinakahuling ulat, ipinahayag ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov ang kahandaan ni Putin, na ipadala ang delegasyong Ruso sa Minsk para makipagtalastasan sa delegasyon ng Ukraine.
Di-magbabago ang paninindigan ng Tsina tungkol sa paggalang sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng mga bansa, at pagtalima sa layon at mga prinsipyo ng Karta ng United Nations. Batay dito, patuloy na eenkorahehin ng Tsina ang negosasyon, at pasusulungin ang pulitikal na paglutas sa isyu ng Ukraine.
Editor: Liu Kai