Nabigo kahapon, Pebrero 25, 2022, ang United Nations Security Council (UNSC) sa pagpasa ng isang panukalang resolusyon sa krisis ng Ukraine at Rusya.
Ang naturang panukalang resolusyong binurador ng Amerika at Albania, ay tinanggihan dahil sa pagbeto ng Rusya bilang pirmihang kasapi ng UNSC.
Nag-abstain naman sa botohan ang Tsina, Indya, at United Arab Emirates.
Kaugnay nito, sinabi ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations, na dapat lubos na mag-ingat ang UNSC sa anumang pagtugon. Aniya, ang mga aksyon ay dapat tunay na makatulong sa pagpapahupa ng krisis, sa halip na gatungan ang apoy.
Tinukoy niyang, kung hindi maayos na hahawakan ang isyu, o patuloy na ipapataw ang presyur at sangsyon, hahantong ito sa mas malaking kasuwalti at pagkawala ng ari-arian, mas kumplikado at magulong kalagayan, at mas malaking kahirapan sa pagpawi ng mga pagkakaiba. Sasarhan din nito ang pinto para sa mapayapang solusyon, at idudulot ang kapahamakan sa mas maraming inosenteng mamamayan, saad din ni Zhang.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos
Pangulo ng Tsina at Rusya, nagpalitan ng palagay tungkol sa kalagayan sa Ukraine
Tsina nanawagang magtimpi ang iba't ibang panig hinggil sa isyu ng Ukraine
Putin nakipag-usap sa telepono sa mga lider ng iba't ibang bansa
UN maglalaan ng US$20 M para sa pangkagipitang makataong kahilingan ng Ukraine
Zelenskyy: Ukraine, "iniwang mag-isa" para labanan ang Rusya