Pangulo ng Tsina at Rusya, nagpalitan ng palagay tungkol sa kalagayan sa Ukraine

2022-02-26 01:05:42  CMG
Share with:

Nag-usap sa telepono kahapon ng hapon, Pebrero 25, 2022, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, para magpalitan ng palagay, pangunahin na, tungkol sa kasalukuyang kalagayan sa Ukraine.

 

Inilahad ni Putin ang pangkasaysayang konteksto ng isyu ng Ukraine, kalagayan ng espesyal na operasyong militar ng Rusya sa silangang bahagi ng Ukraine, at paninindigan ng panig Ruso sa operasyong ito.

 

Sinabi niyang, matagal na binabalewala ng Amerika at North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang pagkabahala sa seguridad ng Rusya, paulit-ulit na tinatalikuran ang mga pangako, at tuluy-tuloy na isinasagawa ang pagdedeploy na militar patungo sa Rusya. Ito aniya ay naghahamon sa "strategic bottom line" ng Rusya.

 

Pero dagdag ni Putin, nakahanda ang panig Ruso na isagawa, kasama ng panig Ukrainyan, ang negosasyon sa mataas na antas.

 

Tinukoy naman ni Xi, na ang paglala ng kalagayan sa silangang bahagi ng Ukraine ay nakakatawag ng malaking pansin ng komunidad ng daigdig. Ang paninindigan ng Tsina aniya ay batay sa isyu mismo ng Ukraine.

 

Sinabi ni Xi, na dapat itakwil ang kaisipan ng Cold War, pahalagahan at igalang ang pagkabahala sa seguridad ng iba't ibang bansa, at isagawa ang negosasyon para buuin ang balanse, mabisa, at sustenableng sistemang panseguridad ng Europa.

 

Dagdag ni Xi, sinusuportahan ng Tsina ang paglutas ng Rusya at Ukraine ng mga isyu sa pamamagitan ng negosasyon. Di-magbabago aniya ang paninindigan ng Tsina tungkol sa paggalang sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng mga bansa, at pagtalima sa layon at mga prinsipyo ng Karta ng United Nations (UN).

 

Nakahanda rin aniya ang Tsina, kasama ng iba't ibang panig ng komunidad ng daigdig, na itaguyod ang komon, komprehensibo, kooperatibo, at sustenableng kamalayan sa seguridad, at pangalagaan ang sistemang pandaigdig na ang nukleo ay UN at kaayusang pandaigdig na ang batayan ay pandaigdigang batas.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method