Mahigit 18 libong kabataang Tsino ang nagboluntaryo sa katatapos na Beijing 2022 Winter Olympic Games.
Pinaglingkuran nila ang mga paligsahan, mga atleta at opisyal mula sa iba't ibang bansa, at may kinalamang organisasyon.
Dahil sa kanilang mahusay na serbisyo at ipinakitang kabaitan, nakuha ng mga boluntaryo ang mataas na papuri mula sa mga atleta at opisyal, na kanilang naging mga kaibigan.
Sa seremonya ng pagpipinid ng Beijing Winter Olympics, pinasalamatan ni Thomas Bach, Presidente ng International Olympic Committee ang mga boluntaryo, sa pamamagitan ng pahayag na "pinainit ninyo ang aming mga puso sa pamamagitan ng inyong mga nakangiting mata. Ang inyong kabaitan ay mananatili sa amin magpakailanman."
Dagdag ni Bach sa wikang Tsino, "Zhiyuanzhe, Xiexie nimen" o "Mga boluntaryo, salamat sa inyo."
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan