CMG Komentaryo: Paano gamutin ang sakit na “American racism”?

2021-03-03 10:33:43  CMG
Share with:

Nitong Pebrero 23, 2021 (local time), hinatulan ng American grand jury si Daniel Prude kaugnay ng  kaso ng pagkamatay ng isang African American na  dahil sa marahas na pagpapatupad ng pulis ng batas noong isang taon. Ayon sa hukom, hindi mahaharap ang naturang pulis sa kriminal na pagsasakdal.

 

Ang resultang ito ay nagiging isa pang “amulet” ng violent enforcement ng mga Amerikanong pulis.

 

Sa kasalukuyang idinaraos na Ika-46 na Pulong ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), nagpahayag ang maraming UN human rights experts ng pananawagan sa pamahalaang Amerikano na isagawa ang malawak na reporma para mapigilan ang marahas na kilos ng pulis at puspusang malutas ang isyu ng pagkiling ng lahi.

 

Ang di-pagkilos o magulong pagkilos ng pamahalaang Amerikano ay nagsisilbing kasabwat ng buong tikis na pagkalat ng rasismo.

 

Partikular sa panahon ng pangangasiwa ng nagdaang pamahalaan, maraming beses na tinawag ng ilang politikong Amerikano ang coronavirus bilang “Chinese virus” upang ibaling ang sisi. Ito ay nakapagpasidhi sa diskriminasyon at pagkiling ng lipunan sa mga taong may Asian origins na bumuo ang isang “bagong diskriminasyong panlahi.”

 

Mas kasuklam-suklam na katuwiran ang paggamit ng “karapatang pantao,” para lantarang manghimasok ang politikong Amerikano sa mga suliraning panloob ng mga ibang bansa.

 

Naibubunyag ngayon ng iba’t-ibang masamang resultang dulot ng racial discrimination ang mga problema sa sistema at estruktura ng Amerika, at nasisira ang mapagkunwaring mukha nito sa karapatang pantao sa istilong Amerikano.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method